
Ang Angat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ay naimbitahan upang makiisa sa pagdiriwang ng Fire Prevention Month 2025.
Ito pinangunahan ng DepEd Tayo - ANGAT District na ginanap sa DepEd Tayo - Matias A. Fernando Memorial School na may temang "Sa Pag-iwas sa Sunog, Hindi ka Nag-iisa".
Isa sa mga naging hurado ay mula sa opisina ng MDRRMO Angat na si LDRRM Officer III Ma. Lourdes A. Alborida kasama sina LDRRM Officer II Maria Lilibeth F. Trinidad at Administrative Aide I Jenny B. Santos.
Ang aktibidad na virtual slogan at poster making ay hindi lamang paghulma sa kakayahan at kalinangan ng mga mga aaral kundi ito ay isang paraan sa pagmulat patungkol sa Fire Prevention Month.
Kung kayo ay may Emergency, tumawag lamang sa Angat Rescue Hotline : 0923-926-3393 / 0917-710-5087
Comments