Opisyal nang pinasinayaan ang bagong 2-storey, 4-classroom building sa Binagbag National High School!
Kasama ang ating Punong Bayan Reynante S. Bautista, mga kinatawan ng Kabayan Partylist na sina Cong. Salvador Pleyto at Cong. Ron P. Salo, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin at iba pang mga opisyal, matagumpay na naisakatuparan ang ribbon cutting at blessing ng gusali na pinangunahan ni Rev. Fr. Joshua Panganiban.
Isang malaking pasasalamat sa Kabayan Partylist, lalo na kay Cong. Ron P. Salo, para sa proyektong magbibigay ng mas maayos na espasyo para sa pagkatuto ng ating mga mag-aaral. Sama-sama nating itaguyod ang dekalidad na edukasyon para sa kinabukasan ng ating kabataan! 💙
Comments