top of page
bg tab.png
Writer's pictureAngat, Bulacan

Bagong Multi-Purpose Covered Court, Pormal na Binuksan sa Barangay Taboc


Pormal nang binuksan ang bagong Multi-Purpose Covered Court na kaloob ni Congressman Salvador Pleyto para sa mamamayan ng Barangay Taboc. Ang proyekto ay itinuturing na isang mahalagang hakbang upang suportahan ang pang-araw-araw na aktibidad ng mga residente, kabilang ang mga pampalakasan, pang-komunidad, at iba pang gawain.

Ang programa ay pinangunahan nina Punong Bayan Reynante S. Bautista at Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, kasama ang buong Sangguniang Bayan. Lubos din ang pasasalamat ng Sangguniang Barangay ng Taboc sa pangunguna ni Kapitan Edzel Lopez sa proyektong naglalayong magbigay ng mas maayos at maaliwalas na pasilidad para sa kanilang barangay.

Dumalo rin sa programa sina Konsehal Badong Pleyto bilang kinatawan ng ating congressman, Bokal Art Legaspi at Bokal Jay De Guzman.

Ang proyektong ito ay isa lamang sa maraming inisyatibo ng pamahalaan upang mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga mamamayan sa ating bayan.

1 view0 comments

Recent Posts

See All

Comentarios


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page