
Pormal na pinasinayaan ang bagong Multi-Purpose Covered Court na kaloob ni Congressman Salvador Pleyto para sa mamamayan ng Barangay San Roque. Ang makabuluhang proyekto ay naglalayong magbigay ng mas maayos na pasilidad para sa mga aktibidad ng komunidad, kabilang ang mga pampalakasan, pagtitipon, at iba pang pampublikong gawain.
Ang programa ay dinaluhan ng mga prominenteng opisyal, kabilang sina Punong Bayan Reynante S. Bautista at Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, kasama ang buong Sangguniang Bayan at si Congressman Salvador "Ka Ador" Pleyto.
Bagong Multi-Purpose Covered Court, Pormal na Inilunsad sa Barangay San Roque
Lubos din ang pasasalamat ng Sangguniang Barangay ng San Roque sa pangunguna ni Kapitan Nerio Valdesco. Ang bagong Multi-Purpose Covered Court ay inaasahang magiging sentro ng mga aktibidad sa Barangay San Roque at magsisilbing simbolo ng pagkakaisa at pag-unlad para sa buong komunidad.
Comments