Inaprubahan ng Toll Regulatory Board (TRB) ang pagpapatupad ng ikalawang bahagi ng mga petisyon para sa periodic toll adjustments na isinampa noong 2018 at 2020 ng NLEX. Magsisimula ang bagong toll fee matrix sa Hunyo 4, 2024 (Martes).
Sa ilalim ng bagong matrix, madadagdagan ng PHP 5.00 ang toll fee para sa mga Class 1 vehicles (malalaking motorsiklo, kotse, pickups, at SUVs) kapag bumiyahe sa loob ng open system. Para naman sa Class 2 vehicles (mga bus at maliliit na trak), tataas ito ng PHP 14.00. Ang mga Class 3 vehicles (malalaking trak) ay magbabayad ng karagdagang PHP 17.00.
Ang mga bumibiyahe sa buong NLEX mula Metro Manila hanggang Lungsod ng Mabalacat ay magbabayad ng karagdagang PHP 27.00 para sa Class 1, PHP 68.00 para sa Class 2, at PHP 81.00 para sa Class 3 na mga sasakyan.
Ang open system ay mula Balintawak, Lungsod ng Caloocan hanggang Marilao, Bulacan habang ang closed system ay sumasaklaw sa bahagi mula Bocaue, Bulacan hanggang Sta. Ines, Lungsod ng Mabalacat, Pampanga, kasama ang Subic-Tipo sa SCTEX.
Comments