top of page
bg tab.png

Bagong Pasilidad, Bagong Pag-asa!

Writer's picture: Angat, BulacanAngat, Bulacan

Isang mahalagang hakbang tungo sa mas maunlad at mas matibay na komunidad ang Blessing ng Brgy. San Roque Multi-Purpose Covered Court. Ang proyektong ito, sa tulong tanggapan ni Congressman Ador Pleyto ay isang patunay ng ating sama-samang pagsisikap upang mapabuti ang kalidad ng buhay ng bawat residente.


Dito magaganap ang mahahalagang programa ng barangay, mula sa mga pampublikong pagpupulong hanggang sa sports activities at iba pang community events.


Ang pagkakaroon ng isang maayos at modernong pasilidad ay nagpapakita ng ating dedikasyon sa pagbibigay ng dekalidad na serbisyo sa ating mga kababayan. Ito rin ay isang hakbang upang lalo pang palakasin ang samahan ng mga mamamayan, isulong ang aktibong partisipasyon sa mga programa ng pamahalaan, at tiyakin na ang bawat isa ay may puwang sa pagpapatatag ng ating bayan.


Patuloy nating isinusulong #AsensoAtReporma para sa isang mas maunlad na Barangay San Roque!

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page