Alinsunod sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. para sa bayanihan, hinimok ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ang lahat ng 42,027 barangay at ang publiko na makiisa sa pambansang paglulunsad ng “Barangay at Kalinisan Day” ( BarKaDa) noong Setyembre 16, 2023.
Ang BarKaDa ay isang nationwide community-based clean-up drive program, na nakatuon sa pagpapanatili at pagbibigay ng malusog at ligtas na kapaligiran at maiwasan ang pagkalat ng mga sakit sa pamamagitan ng wastong solid waste management.
At narito ang mga Barangay na nakipag kaisa sa ating Bayan ng Angat, Lalawigan ng Bulacan. Ang mga larawang nakapost ay nakalap mula sa mga isinumiteng larawan ng mga Kalihim ng Barangay via FB messenger sa tanggapan ng MENRO Angat.
Maraming salamat sa mga Barangay na nakiisa at patuloy na makikipag-kaisa pa sa mga MAKA-KALIKASANG mga aktibidad para sa ating bayan.
Barangay Baybay Barangay Banaban Angat Bulacan Barangay Binabag Barangay Donacion Barangay Encanto Barangay Encanto Barangay Laog Barangay Marungko Barangay Paltok - Angat, Bulacan Barangay Pulong Yantok Barangay San Roque Barangay Sta. Cruz - Angat Barangay Sta Lucia Barangay Hall of Sto. Cristo, Angat, Bulacan Barangay Sulucan Barangay Tabok
Comentarios