top of page
bg tab.png
Writer's pictureAngat, Bulacan

Barangay Donacion BDRRM Council CCCM and IDPs Protection Seminar Workshop

Ang konseho ng Barangay Disaster Risk Reduction and Management Council ng Barangay Donacion ay nagsagawa ng seminar-workshop upang mas paigtingin ang layunin na mas maging HANDA, LIGTAS, at PANATAG ang kanilang komunidad.

Sa natapos na unang araw ng pagtatalakay, binalikan ni MGDH1 - MDRRMO Mr. Carlos R. Rivera Jr. ang mga pangunahing tungkulin at responsibilidad ng konseho ng BDRRM.

Nagkaroon nang interaksyon ang bawat miyembro sa naging workshop na inihanda ng MDRRMO Angat upang mas mapabuti ang kanilang kooperasyon gayundin ang lebel nang kanilang pagunawa sa kanilang mga trabaho.

Ang workshop na isinagawa ay pumupunto sa masusing pagsasagawa nang plano upang mas maging mainam ang paggamit ng mga pasilidad tulad ng Evacuation Center sa barangay.

Ito ay ipinrisenta ng bawat grupo upang maihayag kung papaano nila nabuo ang konseptong kanilang naisip. Nakasubaybay si MR. Rivera sa mga ipinrisentang mga plano at nagbigay suhestiyon upang mas mapagbuti pa ang kanilang mga inisyal na mga gawa.

Ang MDRRMO Angat ay patuloy at laging sumusuporta sa mga barangay para maging HANDA, LIGTAS, AT PANATAG ang bawat komunidad sa pangunguna ng ating Punong Bayan Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista.

Ito rin ay manipestasyon para sa tuloy-tuloy na Asenso at Reporma sa Bayan ng Angat at sa mas ligtas na Angateno.

Kung kayo ay may EMERGENCY, tumawag lamang sa #AngatRescueTeam HOTLINE: 0923 926 3393.

1 view0 comments

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page