Sa ikalawang araw nang seminar-workshop ng BDRRMC Donacion ay tinalakay ang camp management at pagsasagawa ng evacuation route map para mas maging epektibo ang paglikas ng bawat tao sa komunidad.
Pinangunahan ni MGDH1 MDRRMO ang pagtatalakay kung saan nagbalik tanaw muli sa mga natutuhan ng bawat isa sa isinagawang seminar-workshop kahapon. Kasunod nito ang pagkakaroon nang diskusyon at talakayan para sa epektibong pangangasiwa sa panahon tuwing may kalamidad.
Nagkaroon naman ng workshop kung saan ang bawat grupo ng konseho ng BDRRMC ay makagawa nang Evacuation Route Map papunta sa kanilang designated na Evacuation Center. Dito ay kinonsidera ang mga peligro na nasa barangay tulad nang pagbaha.
Nagtapos ang oryentasyon para sa Camp Management and Camp Coordination and Internally Displaced Person's Protection sa pagbibigay nang mensahe ng Punong Barangay Igg. Jesse Calderon kung saan mas epektibong proyekto ang kanilang isusulong para sa nagkakaisang Barangay Donacion.
Yorumlar