Dumalo ang ating Punong Bayan, Reynante S. Bautista, sa isinagawang Barangay Health Worker Refresher Course na pinangunahan ng ating Municipal Health Officer (MHO), Dra. Guillerma A. Bartolome. Ang nasabing kaganapan ay naglalayong palawakin ang kaalaman at kakayahan ng mga Barangay Health Worker (BHW) sa ating bayan.
Nagbigay ng masusing paliwanag at mga bagong impormasyon hinggil sa mga responsibilidad at gawain ng mga BHW si Patricia Ann Alvaro-Castro, Resource Speaker (Provincial Health Education and Promotion Officer III) Ipinabatid niya ang mga makabagong update sa larangan ng kalusugan na may kaugnayan sa papel at kontribusyon ng mga BHW.
Kasama rin sina Kon. Wowie Santiago at Kon. William Vergel De Dios, na nagbigay ng suporta at pagpapahalaga sa dedikasyon ng mga BHW sa mahalagang tungkulin. Dumalo rin ang mga BHW mula sa ibat ibang barangay, upang mapaigting ang kanilang kakayahan sa pag-aalaga ng kalusugan sa ating bayan. Ang pagtitipon na ito ay naglalayong mas palakasin ang healthcare at magtaguyod ng mas maayos at matatag na pangangalaga sa kalusugan ng bawat mamamayan.
コメント