Ikinasa ang ikalawang araw nang seminar-workshop para sa BDRRMC ng Barangay Niugan ngayong araw.
Ipinagpatuloy rito and diskusyon patungkol sa mga pamamaraan upang mas maging matatag ang komunidad ng Barangay Niugan.
Pagkatapos ng mga diskusyon ay sumailalim naman ang konseho sa isang workshop kung saan inalam nila ang mga posibleng maging ruta sa panahon ng kalamidad. Dito ay binigyang importansya ang mga maaaring pangyayari at pagkonsidera sa mga posibleng panganib sa bawat tao.
Ang MDRRMO Angat ay patuloy at laging sumusuporta sa mga barangay para maging HANDA, LIGTAS, AT PANATAG ang kanilang komunidad.
Ito rin ay manipestasyon para sa tuloy-tuloy na Asenso at Reporma sa Bayan ng Angat at sa mas ligtas na Angateno.
Kung kayo ay may EMERGENCY, tumawag lamang sa #AngatRescueTeam HOTLINE: 0923 926 3393.
Comentarios