Ang Barangay Disaster Risk Reduction and Management Council ng Niugan ay nagsagawa ng seminar-workshop patungkol sa Camp Coordination and Camp Management and Internally Displaced Person's Protection (CCCM at IDP) para mas mapagbuti at mapag tibay ang pamamahala sa gitna ng kalamidad.
Sa natapos na unang araw ng seminar workshop ay binalangkas muli ang gawain at mandato ng Barangay Disaster Risk Reduction and Management Council. Dito ay mas pinalalim ang kahalagahan ng konseho para mas maging ligtas ang bawat komunidad.
Isa rin sa paksain ng aktibidad ay ang pagtutukoy sa mga pasilidad na kinakailangan bilang paghahanda sa mga kalamidad at upang matiyak ang karapatan ng bawat tao sa komunidad.
Nagbigay paunang pananalita ang Kapitan ng Niugan, si Igg. Roberto Maximo upang magbigay ng paghihikayat na mapagbuti ang konseho ng BDRRMC.
Buong-buo ang kooperasyon ng konseho ng BDRRMC ng Niugan at tinitiyak nilang mas mapagbubuti pa nila ang kanilang responsibilidad sa tulong ng orientation seminar-workshop na pinangunahan ng MDRRMO - Angat.
Ang MDRRMO Angat ay patuloy at laging sumusuporta sa mga barangay para maging HANDA, LIGTAS, AT PANATAG ang kanilang komunidad.
Ito rin ay manipestasyon para sa tuloy-tuloy na Asenso at Reporma sa Bayan ng Angat at sa mas ligtas na Angateno.
Kung kayo ay may EMERGENCY, tumawag lamang sa #AngatRescueTeam HOTLINE: 0923 926 3393.
Comments