Bagong bihis na rin ang Barangay Taboc sa pagbubukas ng kanilang Multi-Purpose Covered Court. Ito ay simbolo ng ating kolektibong pangarap na gawing mas maayos, mas produktibo, at mas makulay ang buhay ng bawat mamaayan ng barangay.
Sa ilalim ng bubong na ito, mabubuo ang mga kwento ng tagumpay. Dito magtatagpo ang ating kabataan para maglaro at magtagisan ng galing. Dito magtitipon ang ating komunidad para sa mga programang pangkalusugan, edukasyon, at kabuhayan. At dito rin tayo magpapakumbaba at magpapasalamat sa mga biyayang dumarating.
Ang proyektong ito ay patunay na kapag ang pamahalaan at ang mamamayan ay nagkakaisa, walang imposible. Ang #AsensoAtReporma ay hindi lamang pangako kundi pagkilos—isang rebolusyon ng malasakit at pagbabago para sa Barangay Taboc.
Comments