๐๐๐ญ๐๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐๐ฒ ๐ง๐ ๐๐ฌ๐ข๐ง๐๐ ๐๐ฐ๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐ข๐ ๐๐ง๐๐ข๐๐๐ง๐ญ ๐๐จ๐ฆ๐ฆ๐๐ง๐ ๐๐ฒ๐ฌ๐ญ๐๐ฆ ๐๐ซ๐๐ข๐ง๐ข๐ง๐ ๐๐จ๐ฎ๐ซ๐ฌ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ฅ๐๐ซ๐ค ๐ ๐ซ๐๐๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ ๐๐จ๐ง๐, ๐๐๐ฆ๐ฉ๐๐ง๐ ๐
Nakamit ang tagumpay sa pagpapatupad ng Basic Incident Command System Training Course para sa mga miyembro ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) sa The Mansion at the Village, Prince Balagtas Ave. sa Clark Freeport Zone, Pampanga.
Pinangunahan ng mga eksperto sa larangan na sina Christine Kaye Gallos, Rafael Porras, Carmelo Simbulan, at Johnny Co, ang pagsasanay na naglalayong palalimin ang kaalaman ng mga kalahok sa mga sumusunod na aspeto:
- ICS Organization & Staffing
- ICS Facilities
- Organizing ICS and Managing Incidents and Events
- Incident/Event Assessment and Management by objectives
- Organizing and Managing Resources
- Incident and Event Planning
- Transfer of Command, Demobilization
Ang layunin ng pagsasanay ay mapalawak ang kaalaman ng mga kasapi at magbigay ng sistematikong paghahanda at pagtugon sa anumang kalamidad. Sa pamamagitan ng pagsasanay, inaasahang mas mapatatag ang kakayahan ng MDRRMC sa epektibong pagtugon at pamamahala sa mga emergency situation.
Comments