
Nitong February 18, 2025 ay ginanap sa Municipality of Angat ang Skills Training para sa Basic Manicure Pedicure with Foot Spa Treatment na dinaluhan ng piling mga benepisyaryo na mula sa iba't ibang sector at ang kanilang naging tagapagsanay ay ang TESDA Accredited Trainer na si Mrs. Margarita P. Germar.
Layunin ng programang ito na patuloy na mabigyan ng idea ang ating mga kababayan para sa ekstrang pagkakakitaan o 'di kaya'y permanenteng pagkunan ng pang gastos sa araw-araw. Na kahit pa hindi sila lumayo sa kanilang tahanan, puwede pa rin silang kumita ng pera.
Comentários