Ngayong araw, Ika- 21 ng Agosto, taong 2024, ay matagumpay na nakapag sagawa ng “BASURA PALIT GAMIT ESKUWELA” ang tanggapan ng MENRO Angat sa Angel M. Del Rosario High School. Barangay Pulong Yantok, Angat, Bulacan.
Kami ay nakakolekta ng 131 pcs ng Eco-bricks na nagtitimbang ng nasa 61 kilos ng RESIDUAL WASTE o BASURANG WALANG PAKINABANG.
Ito naman ay isang mabuting halimbawa ng WASTE DIVERSION.
Sa pangunguna ni MENRO Eveliza J. De Guzman at School Principal Sir Eliseo C. Dela Cruz.
At sa Pamamatnugot ng Ama ng Bayan ng Angat, Mayor Reynante “Jowar” S. Bautista.
Buong pasasalamat ng tanggapan sa mga mag-aaral na nakibahagi at nakiisa. Gayun din naman sa kanilang mga Guro na humuhubog sa mga kabataan tungkol sa Wastong Pamamahala ng Basura.
Comments