ISANG MAKAKALIKASANG ARAW!
Ngayong araw, matagumpay na naipamahagi ang mga gamit eskwela sa mga mag-aaral ng Deped Tayo - Marcelo L. Adriano Memorial School, sa Barangay Encanto, Angat, Bulacan.
Ang nasabing paaralan ay nakibahagi sa proyekto ng MENRO Angat na pinangungunahan ni Ms. Eveliza De Guzman na may pamagat: "Basura Palit Gamit Eskwela" Project.
Maraming salamat sa kanilang Punongguro, Mr. Arnaldo V. Sincioco at sa lahat ng mga Guro na pumapatnubay sa kanilang mga mag-aaral sa pagtuturo upang maging responsable ang mga bata sa pamamahala ng basura.
Maraming salamat sa inyong partisipasyon upang ang ating basura ay mabawasan dito sa ating bayan.
Layunin ng proyektong ito na maipagpatuloy ang ganitong mga aktibidad kaya hinihikayat po namin ang lahat na ipagpatuloy pa natin ang TAMANG PAG SESEGREGATE ng ating mga basura.
Comments