ISANG MAKAKALIKASANG ARAW!
Muli ay matagumpay na naipamahagi ang mga gamit eskwela sa mga mag-aaral ng Teodoso R. Manuel Elem. School, sa Barangay Donacion, Angat, Bulacan, na nakibahagi sa proyekto ng MENRO Angat na may pamagat: "Basura Palit Gamit Eskwela" Project.
Maraming salamat sa kanila Punongguro, Ms. Myra B. Santiago at sa buong Kaguruan sa pamamatnubay sa kanilang mga mag-aaral sa pagtuturo upang maging responsable ang mga bata sa pamamahala ng basura.
Maraming salamat sa inyong partisipasyon upang ang ating basura ay mabawasan dito sa ating bayan.
Layunin ng proyektong ito na maipagpatuloy ang ganitong mga aktibidad kaya hinihikayat po namin ang lahat na ipagpatuloy pa natin ang TAMANG PAG SESEGREGATE ng ating mga basura.
Comments