Isinagawa sa ating Municipal Conference Hall ang Paghahalal ng Boy/Girl Officials para sa taong 2023 sa pangunguna ng ating LYDO Keanne Cyrene Mangcucang.
Ang programang ito ay ang pagbibigay ng pagkakataon sa bawat kabataan na maranasan maging isang halal na opisyal at maunawaan ang paraan ng pagpapatakbo ng ating pamahalaan. Ang kaganapan ay naglalayong bigyan ng kapangyarihan ang mga kabataan, paunlarin ang kanilang mga kasanayan sa pamumuno at hikayatin silang makibahagi sa komunidad.
Pinamunuan ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista ang panunumpa ng mga bagong halal na opisyal ng Boy and Girl Official 2023 na nagmula sa pribado at pampublikong paaralan ng ating bayan.
Comments