Maligayang pagbubukas ng Boys and Girls Week 2024 kasama ang mga lider estudyante ng mga paaralan sa ating bayan. Naniniwala tayong kabataan pa rin ang pag-asa ng bayan!
Sa inyong paglahok sa mga gawain ngayong linggo, hangad ko na mas mapalawak pa ang inyong kakayahan, tiwala sa sarili, at pag-unawa sa inyong responsibilidad bilang mga kabataang Angatenyo. Nawa'y magsilbing pagkakataon ito upang mas mapagtibay ang inyong ugnayan at pagkakaibigan sa isa't isa.
Mangarap nang mataas at huwag matakot na gawin ang nararapat para sa kabutihan ng lahat. Ang bayan ng Angat ay nasa inyong mga kamay, at kami ay naririto upang gabayan at suportahan kayo.
Comments