top of page
bg tab.png

BULACAN COUNCIL OF DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICERS INC. CONVENES MONTHLY MEETING

Writer's picture: Angat, BulacanAngat, Bulacan

Ang Bulacan Council of Disaster Risk Reduction and Management Officers Inc. ay isinagawa ang monthly meeting para sa buwan ng Pebrero.

Ang pagtitipon na ito ay idinaos sa City of Malolos kung saan iba't-ibang opisyal ng DRRMO mula sa mga Bayan ng Probinsya ng Bulacan ang dumalo.

Ito ay dinaluhan ni MGDH1 - MDRRMO Carlos R. Rivera Jr. upang katawanin ang Bayan ng Angat sa nasabing pagpupulong. Ito rin ay dinaluhan ng mga kawani mula sa Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (Bulacan PDRRMO) na patuloy na nagbibigay tulong at suporta sa Bayan ng Angat lalo na sa panahon ng insidente at sakuna.

Ang pagpupulong ay nakasentro sa paghahanda para sa buwan ng Marso. Itinala ng Bulacan PDRRMO ang mga hakbang para sa papalapit na Fire Prevention Month para sa taong 2025. Dagdag pa rito ang mga pagsasanay na gagawin upang mas mapaigting ang kahandaan ng Probinsya ng Bulacan sa kalamidad.

Laging naka-agapay ang ating Punong Bayan at MDRRM Council Chairperson Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista para sa mas pagpapaigting ng isang Handa, Ligtas, at Panatag na Bayan ng Angat.

 
 
 

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page