Ngayong ika-11 ng Disyembre 2024 ay ginanap ang Bulacan PESO General Assembly and Year-End Assessment sa Provincial Capitol, Malolos, Bulacan. At bilang parte ng assessment ang ay pagkilala sa mga munisipalidad na may malaking kontribusyon sa paglago at pag-unlad ng Probinsya ng Bulacan.
Kung kaya gusto po naming ipaabot ang aming pasasalamat sa DOLE Bulacan dahil sa SPECIAL CITATION for TUPAD and CAREER DEVELOPMENT SUPPORT PROGRAM (CDSP) IMPLEMENTATION na iginawad po ninyo para sa LGU PESO ANGAT.
Ang Pamahalaang Bayan ng Angat sa pangunguna po ng aming Punong Bayan Reynante "Jowar" S. Bautista ay palaging nakasuporta sa pagpapalaganap ng mga programang makakatulong sa mamamayang Angatenyo. Kami po ay palaging handang maglingkod kasama ninyo para maabot ang mga hangarin at layuning ANGAT sa lahat.
Comments