Nakiisa ang ating Punong bayan Reynante Bautista sa pagdaraos ng buwanang pagpupulong ng Liga ng mga Barangay, kasama ang ating MLGOO Carla Marie Alipio, MSWDO Menchie Bollas, Municipal Link-MAT Leader Mercedita Garcia , MDDRMO Carlos Rivera, BPLO Yral Calderon, at Kon. Blem Cruz kung saan tinalakay ang mga sumusunod:
• Pagsasaayos ng Real Estate Tax
• Balidasyon ng 4Ps.
• Masusing pagtatasa ng mga kwalipikadong Solo Parent na makatatanggap ng tulong mula sa gobyerno
• Proseso sa pag-iisyu ng barangay clearance para sa mga business permit at building permit.
• Pagtatasa ng mga Lupang Tagapamayapa kada barangay.
• Pagtulong ng mga Punong Barangay sa Barangay Anti-Drug Council (BADAC) at Barangay Council for Protection of Children (BCPC)
• Pagpapatuloy ng Road Clearing Operation
• Implementasyon ng “Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay sa Barangay” upang isulong ang pagtatanim sa komunidad
• Pagpupulong ng BDRRMC para sa Accomplishment Report ng taong 2022 na isasagawa sa Biyernes (Feb. 3, 2023)
• Talakayan ukol sa Barangay Drug Clearing Operation
Naging makabuluhan ang isinagawang pagpupulong sapagkat sa sama-samang gawaing ito, naipaparating ng bawat Punong Barangay ang kanilang naisin, suhestyon at dapat pag-igihin para sa mas ikaaayos ng ating Bayan.
Comments