Pinangunahan ni Punong Bayan Reynante S. Bautista ang paggagawad ng cash assistance para sa Centenarian Benefit kay Gng. Semeona C. Manuel ng Barangay Binagbag, bilang pagkilala sa kanyang mahalagang ambag at inspirasyon bilang isandaang taong gulang na mamamayan.
Kasama sa seremonya sina MSWDO Menchie Bollas, Donnabel Boado Armenta mula sa DSWD Region 3, at OIC Municipal Administrator Gia Janelle Vergel De Dios. Maraming salamat sa ating pamahalaang nasyonal sa patuloy na suporta sa ating mga Centenarians!
Comments