Sa ginanap na CCAM Payout sa Angat Municipal Gymnasium, isang aktibidad ang idinaos na naghatid ng tulong at suporta sa 208 na solo parent. Ang naturang programa ay naglalayong magbigay ng oportunidad at benepisyo sa mga solo parent sa pamamagitan ng isang proyektong pangkomunidad, kung saan kanilang isinagawa ang sampung araw na communal gardening sa kanilang nasasakupang lugar.
Kasama sa pagsasagawa ng aktibidad na ito ang partisipasyon at suporta ng mga lokal na opisyal tulad ng ating Punong Bayan na si Reynante S. Bautista, kasama ang MSWDO Menchie Bollas, at mga kawani mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sa pangkalahatan, ang CCAM Payout na ito ay hindi lamang nagbigay ng tulong pinansyal sa 208 solo parent kundi naghatid din ng inspirasyon at pagkakataon sa kanila na magkaisa, magtulungan at magkaroon ng positibong pagbabago sa ating komunidad.
Comments