top of page
bg tab.png
Writer's pictureAngat, Bulacan

Charitimba mula sa PCSO para sa 511 Angatenyo


Isinagawa sa Angat Municipal Gymnasium ang isang programa ng pamamahagi ng 511 Charitimba mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para sa mga mamamayan ng Angat na lubhang naapektuhan ng nagdaang bagyo at pagbaha. Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Punong Bayan Reynante S. Bautista, kasama sina PCSO Director Jennifer Guevara at PCSO Bulacan Provincial Head Elmer Camba. Kasama rin sa pagtitipon si Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin at iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan ng Angat.


Layunin ng programa na magbigay ng tulong sa mga kababayang nakaranas ng matinding pinsala dahil sa mga kalamidad. Sa pamamagitan ng proyektong ito, muling pinatunayan ng PCSO ang kanilang walang sawang suporta sa mga komunidad na humaharap sa mga pagsubok.


Ang pamamahagi ng Charitimba ay inaasahang makatutulong upang muling makabangon ang mga naapektuhang residente mula sa kanilang naranasan.

3 views0 comments

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page