Ang ating Cong. Salvador ADOR Pleyto ay nagpaunlak ng isang pagpupulong sa mga miyembro ng Federation of Angat Farmers Association upang ipagbigay-alam ang patuloy na suporta at tulong ng ating butihing Congressman, maging ang ating Pamahalaang Lokal ng Angat sa umuunlad na sektor ng agrikultura sa ating bayan.
Ito ay dinaluhan ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista, Vice Mayor Arvin L. Agustin kasama ang Sangguniang Bayan Members na isinagawa sa ating Municipal Evacuation Center, San Roque, Angat, Bulacan.
Comentarios