
Pormal nang binuksan sa publiko ang bagong Barangay Covered Court sa Barangay Encanto na kaloob ng AnaKalusugan Partylist sa pangunguna ni Cong. Ray Reyes.
Ang nasabing proyekto ay naglalayong magbigay ng maayos at ligtas na pasilidad para sa mga residente ng barangay, kung saan maaaring idaos ang iba't ibang programa, aktibidad, at serbisyong pampubliko.
Dinaluhan ng mga opisyal ng pamahalaan ang nasabing inagurasyon. Kabilang sa mga dumalo ay sina Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, at mga opisyales ng Barangay Encanto na pinangungunahan ni Kapitan Crisostomo Garcia.
Comments