Ang Bayan ng Angat, muling kinilala ng Department of Interior and Local Government (DILG) bilang Seal of Good Local Governance (SGLG) Awardee. Patunay po ito ng ating makabagong pamamahala at tapat na paglilingkod!
Sa loob ng dalawang magkasunod na taon, ipinakita natin ang ‘di matatawarang dedikasyon sa pagbuo ng makabuluhang programa at serbisyong tunay na para sa tao. Ang tagumpay na ito ay bunga ng bawat Angatenyong nagtiwala, sumuporta, at nakiisa sa ating adhikain para sa isang mahusay na liderato.
Para sa bawat mamamayan, para sa bawat Angatenyo – ito ang patunay na dama ang #AsensoAtReporma! Sama-sama nating ipagdiwang ang karangalang ito at patuloy na itaas ang pamayanan tungo sa mas maliwanag na kinabukasan!
Коментарі