Nakiisa ang ating Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa matagumpay na isinagawang Damayan sa Barangay Medical Mission sa barangay Sto. Cristo. Ang programang ito ay bahagi ng mga inisyatibong isinusulong ni Gobernador Daniel Fernando na naglalayong magbigay ng iba't ibang serbisyong medikal sa mga mamamayan.
Kabilang sa mga serbisyong ibinahagi sa Medical Mission ang dental at medikal na konsultasyon, electrocardiogram (ECG), X-ray, libreng gupit, masahe, salamin sa mata, laboratory test, pati na rin ang pamamahagi ng libreng binhi at bakuna para sa mga alagang hayop.
Ang layunin ng programa ay matugunan ang pangangailangang pangkalusugan ng mga residente at masiguro ang kanilang kalusugan at kapakanan. Ang Damayan sa Barangay Medical Mission ay inaasahang magpapatuloy sa iba pang barangay upang mas marami pang Bulakenyo ang makinabang sa serbisyong ito.
Comentários