Personal na pinasalamatan ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista ang mga daycare teacher ng ating bayan dahil sa kanilang hindi matatawarang sipag, husay at dedikasyon sa pagtuturo para sa ating mga munting anak. Katuwang ang ating MSWDO Menchie Bollas sa pagbibigay ng pagkilala sa ilang mga guro na matagal na sa kanilang serbisyo.
Ang Pamahalaang Bayan ng Angat ay patuloy na nakasuporta at nakaagapay sa ating mga daycare workers. Ang inyong dedikasyon at pagsusumikap ay nakagawa ng malaking pagbabago sa buhay ng mga batang Angatenyo. Ang inyong pagtitiyaga, kabaitan at pagmamahal ang siyang lumikha ng isang matingkad at magiliw na kapaligiran para kanila. Tunay na kapansin-pansin masaksihan ang mga positibong pagbabagong nagaganap sa ilalim ng inyong patnubay sa ating mga batang mag-aaral.
Comments