Opisyal na idineklara ng PAGASA ang tag-ulan noong nagdaang buwan ng Mayo dahil sa pagiral at pagiging aktibo ng hanging habagat o Southwest monsoon —na siyang nagdadala ng madalas na pag-ulan lalo na sa kanlurang bahagi ng bansa. Sa kabilang banda, naging hudyat rin ito ng panganib at posibilidad na pagdami ng kaso ng Dengue. Alam nyo po ba na may naibalitang 2,737 na kaso ng Dengue dito sa buong Bulacan mula Enero hanggang Hunyo ng taong kasalukuyan. Isa sa mga bayan ng Bulacan ang Angat na may pinakamataas na kaso ng impeksyon na sanhi ng Dengue virus ang naitala na umabot sa 73.
Kaugnay nito, patuloy parin po ang ating fogging/spraying sa ating barangay kung maganda ang magiging takbo ng panahon at mababa ang tyansa ng pag-ulan sa susunod na mga araw o linggo. Samantala, sa darating na Lunes ika-18 ng Hulyo, inaanyayahan po namin kayo na pumunta sa ating brgy. court sa dakong 9 umaga upang makapakinig nang masinsinang talakayan tungkol sa "Dengue Awareness" ATBP. Ang pagpupulong na ito ay inaalok ng libre ng Angat RHU. Maraming Salamat po!
MAHALAGANG PAALALA mula sa Bulacan Provincial Health Office-Public Health
Source: Barangay Sta. Cruz - Angat
Comments