Nagsagawa ng emergency meeting ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) upang talakayin ang mga datos at epekto ng nagdaang Bagyong Enteng, kasama ang pinalalakas nitong southwest monsoon o habagat. Ang nasabing pagpupulong ay ginanap upang matiyak ang agarang pagtugon at pagpaplano para sa early recovery at rehabilitasyon ng mga apektadong lugar sa bayan.
Sa nasabing pulong, tinalakay ang tatlong pangunahing paksa:
1. Effects and Damage Brought by Typhoon Enteng and Enhanced Southwest Monsoon
2. MDRRMC Response Operation
3. Early Recovery and Rehabilitation Plan
Ang pagpupulong ay dinaluhan ng mga lokal na opisyal, kabilang si Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, kinatawan ng Civil Society Organizations, at mga kasapi ng MDRRMC.
Comments