Sa Brgy. Binagbag, matitikman ang isa sa sikat at matagal nang gumagawa ng espasol na talaga namang paboritong pampasalubong ng mga Agatenyo.
Ang espasol ay isang uri ng kakanin o matamis na pagkaing Pilipino na gawa sa malagkit na bigas na niluto sa gata ng niyog. Pagkatapos itong lutuin, binabalot ito ng manipis na layer ng toasted rice flour, na nagbibigay ng kakaibang texture at lasa. Ang espasol ay kadalasang hugis silindro at may malambot na texture. Karaniwan itong matamis at malinamnam, at isa sa mga popular na kakanin sa Pilipinas, lalo na sa mga lugar na kagaya ng Angat na malawak na taniman ng palay o niyog.
Kinilala din ang Grace Espasol ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan bilang Special Citation for Culinary Heritary Category sa BUFFEX 2020, isang titulo o parangal na ibinibigay sa mga nagwagi o mga kilalang produkto sa larangan ng pagkain, lalo na sa mga kumpetisyon o eksibisyon ng pagkain tulad ng mga food expos o festivals.
Comments