Ngayong taong 2024 ay nakamarka sa kasaysayan ng Simbahang Katoliko ang Kapistahan ng Banal na Sanggol o Sto. Nino. Ang pagdiriwang na ito ay nakaugnay sa pagdating ng imahen ng Sto. Nino sa ating bansa. Isa ito sa mga masasabing punla ng pananampalataya sa ating bansa.
Upang maging kalugod-lugod sa Panginoon, tularan natin ang batang si Sto. Nino sa pakikitungo at pagturing sa ating kapwa: hindi mapanghusga, kaibigan ng lahat, hindi nang-aapi, at hindi nanlalamang.
Makabuluhang pagdiriwan ng Kapistahan ni Sto. Nino!
コメント