Nitong mga nagdaang linggo at mga araw, ang atin pong BPLS-JIT (Business Permit and Licensing System-Joint Inspection Team) ay patuloy na nagsasagawa ng Field Validation and Inspection, ito ay upang makita kung ang mga negosyong nag-ooperate sa ating bayan ay may kaukulang permit/clearances na kailangan para sa lehitimong pagpapatakbo ng negosyo.
Kasama ang BFP (Bureau of Fire Protection), MENRO Angat, Municipal Health Office, Municipal Planning & Development Office, Municipal Engineering Office, Office of the Municipal Assessor, Municipal Treasurer's Office, Business Permit & Licensing Office at kinatawan mula sa tanggapan ng Punong Bayan.
Comments