Sa pamamagitan ng misa at pagdaraos ng programa, ginunita po natin sa ating bayan ang Araw ng Kalayaan na bunga ng matinding sakripisyo at walang kapantay na tapang ng ating mga bayani. Palagi na pong nakatatak sa ating puso at isipan ang kanilang ipinaglaban. Ang ating kasaysayan ay isang mahalagang bahagi ng ating pagkakakilanlan, at nararapat lamang na ito'y ating ipagmalaki at alagaan.
Isa rin itong paalala ng ating tungkulin na ipagpatuloy ang laban para sa isang mas magandang kinabukasan. Ang bawat isa sa atin ay may mahalagang papel na ginagampanan upang masiguro na nasisasabuhay natin ang ating kalayaan na mahalagahang sangkad sa pag-unlad.
Comments