
Ang edukasyon ay pundasyon ng isang matatag at maunlad na bayan. Sa bawat diplomang nakamit, sa bawat lisensyang ipinaglaban, may pangarap na natupad—hindi lang para sa isang indibidwal kundi para sa buong komunidad. Kaya naman, sa Gabi ng Parangal 2025, ating binibigyang pugay ang kahusayan, pagsisikap, at dedikasyon ng mga kabataang Angatenyo na matagumpay na nakapasa sa kanilang board exams noong 2024.
Ang kanilang tagumpay ay hindi lamang bunga ng kanilang tiyaga at sakripisyo, kundi patunay din na ang pangarap ay kayang abutin sa isang pamayanang may malasakit at suporta para sa edukasyon.
Pinangunahan ito ng Local Youth Development Office (LYDO) sa pamumuno ni Keanne Cyrene Mangcucang, kasama ang Sangguniang Kabataan Federation sa pangunguna ni SK President Mary Grace Evangelista at ilang miyembro ng Civil Society Organizations (CSO)
Saludo kami sa inyo, mga Dalubhasa ng Bayan! 👏
Comments