𝐸𝓃𝒸𝒶𝓃𝓉𝑜, 𝒜𝓃𝑔𝒶𝓉, 𝐵𝓊𝓁𝒶𝒸𝒶𝓃
Isa itong lugar na pinagbubuklod ng sining, agrikultura, at pagiging isang Angatenyo. Hindi lamang pook para tamnan, kundi isang kumunidad ng mga puso na naglalayong baguhin ang buhay ng mga tao sa pamamagitan ng pagbibigay halaga sa dignidad, pakikipagkapwa-tao, at pagmamahal sa bayan.
Sa farm na ito, ang mga residente ay tinuturuan na maging mga tagapag-ambag sa lipunan, hindi lamang mga taga-tanggap. Ang GKEF ay nagbibigay ng pagkakataon para sa edukasyon, trabaho, at pagnenegosyo. Sa pamamagitan ng pag-unlad ng mga kasanayan at pagkakaroon ng oportunidad kasama ang pagmamahal sa kalikasan, ang mga residente ay bumabangon mula sa kahirapan at nagiging instrumento ng pag-asa para sa kanilang sarili at sa iba.
Mahiwaga ang lugar na ito dahil sa mga nabuong mga pangarap at pag-asa. Ang pagsasanib ng mga magagandang ideya, pagsisikap ng mga kasapi ng komunidad, at ang pagtutok sa pangangailangan ng isa't isa ay nagtataglay ng mahika na naglikha ng pagbabago.
𝖢𝖺𝗉𝗍𝗂𝗈𝗇 (𝖬𝖺𝗒𝗈𝗋 𝖩𝗈𝗐𝖺𝗋 𝖥𝖺𝖼𝖾𝖻𝗈𝗈𝗄 𝖯𝖺𝗀𝖾)
Opmerkingen