top of page
bg tab.png
Writer's pictureAngat, Bulacan

Gawad Linang 2022

Updated: Sep 8, 2022



Ang terminong “LINANG” ay nangangahulugan ng pagpapaunlad sa kalagayan ng isang bagay o katangian. Nangangahulugan din ito sa pagtukoy sa sakahan o lupang agrikultural. Kalakhan ng lupain at mamamayan sa Bayan ng Angat ay binubuo ng sektor ng agrikultura. Malaki ang nagiging bahagi nito sa pag-unlad ng ekonomiya dahil sa pagsisikap ng mga magsasaka na tiyakin ang seguridad sa pagkain ng lipunan.


Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Angat, bibigyang pagkilala ang makabuluhang ambag ng mga bayani ng kasaganahan at seguridad sa pagkain ng ating bayan. Igagawad sa ika-339 Taong Pagkakatatag ng Bayan ng Angat ang Gawad Linang sa mga natatanging magsasaka magsasaka ng bayan dahil sa kanilang pagpupunyagi sa larangan ng agrikultura.


Sino ang maaaring MAGING NOMINADO?


1. Bukas para sa lahat ng naninirahan sa Bayan ng Angat na nasa edad 18 pataas, anuman ang kasarian

2. Gumagamit ng naaayong kagamitan sa pagsasaka. Tagapagsulong ng ligtas at sustenableng pamamaraan sa pagsasaka;

3. Nakikiisa sa mga adhikain ng Samahan ng magsasaka sa iba’t ibang antas.

4.Hindi halal na opisyal ng pamahalaan.

5. May maaayos na reputasyon at katayuan sa pamayanan.

6.Hindi delinkwente sa pagbabayad ng utang;

7. Nakatala sa Registry System for Basic Sector in Agriculture;

8. May mahusay na dokumentasyon ng mga gastos kaugnay ng gawain sa pagsasaka gayundin ng kita. Sa gayon ay napapag-aralan kung may relatibong pag-unlad na naaabot sa larangan ng pagsasaka.


Mga dokumentong kailangang ipasa: - BIONOTE na may larawan - Kopya ng titulo ng lupang sinasaka - Katunayan na nakatala sa RSBSA - Larawan ng kagamitan pagsasaka - Larawan ng mga produktong sinasaka


DEADLINE NG PAGPAPASA NG NOMINASYON: Maaaring ipasa ang nominasyon hanggang sa Setyembre 30, 2022 sa pamamagitan ng Email (angat.municipality@gmail.com) o personal na isumite sa Office of the Municipal Mayor c/o Ms. Pauleen Suarez


21 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page