Magandang buhay, Masaganang Ani!
Angatenyo, handa na ba kayo?!
Sa nalalapit na GulayAngat Festival 2024, ang GAWAD LINANG ay muling magbabalik upang bigyang parangal ang ating mga magigiting na magsasaka sa Bayan ng Angat.
Kung sa tingin mo ay pasok ka sa mga kwalipikasyon at karapat-dapat kang tanghalin bilang ikatlong Gawad Linang awardee, sumadya ka lamang sa Tanggapan ng Pagsasaka, na matatagpuan sa Ground Floor ng Angat Municipal Hall at ikaw ay magpasa ng BIONOTE at simpleng PORTFOLIO kung saan kailangan mong maipakita ang iyong RECORD, SKILLS, ABILITIES AT ACHIEVEMENTS.
PATAKARAN AT REGULASYON
1. Bukas sa lahat ng ipinanganak o naninirahan sa bayan ng Angat na may edad 18 taong gulang pataas, anuman ang kasarian
2. May kinabibilangan na samahan ng magsasaka at nakikiisa sa mga adhikain ng Samahan sa iba’t ibang antas
3. Hindi kawani o opisyal ng pamahalaan
4. Mayroong Good Moral Character
5.Hindi delikwente sa pagbabayad ng utang
6.Nakatala sa Registry System for Basic Sector in Agriculture (RSBSA)
7. May mahusay na dokumenstasyon ng mga gastos kaugnay ng gawain sa pagsasaka gayundin ng kita. Sa gayon ay napag-aralan kung may relatibong pag-unlad na naabot sa larangan ng pagsasaka.
8. May isang (1) ektarya pataas na saka.
9. Gumagamit ng naayong teknolohiya at pamamaraan sa pagsasaka. Tagapagsulong ng ligtas at sustenableng pamamaraan sa pagsasaka.
10. Ginagamit ng wasto ang lahat ng natatanggap mula sa pamahalaan
11. May maayos na imbakan ng mga kagamitan sa pagsasaka
12. Hindi muna maaring makilahok ang mga magsasakang nagkaroon ng karangalan sa nagdaang selebrasyon ng GULAYANGAT FESTIVAL.
13. Tatanggap lamang ng 10 nominado.
GANTIMPALA
Gawad Linang Awardee - 20,000 + Plaque + Certificate
Two (2) Special Citation - 10,000 + Plaque + Certificate
Seven (7) Consolation Prizes - 3,000 + Certificate
Comentários