Sa likod ng bawat masaganang ani at tagumpay ng ating bayan ay ang walang sawang sipag, tiyaga, at pagmamahal ng ating mga magsasaka. Sa Gawad Linang 2024, binibigyang-pugay natin ang mga natatanging magsasaka na siyang tunay na bayani ng ating agrikultura.
Ang kanilang dedikasyon sa lupa ay hindi lamang nagbigay ng ani, kundi ng kinabukasan para sa ating komunidad. Sila ang puso ng ating kasaganahan, at ngayon, panahon na upang sila’y kilalanin at bigyan ng nararapat na parangal.
Saludo kami sa inyong lahat, mga magsasaka ng Angat!
Comments