Isang karangalan para sa bayan ng Angat ang tumanggap ng Gawad Serbisyong Matapat mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Isa po tayo sa limang bayan na nagawaran ng parangal sa buong lalawigan ng Bulacan.
Ang parangal na ito ay pagkilala sa ating walang sawang pagsisikap na maghatid ng tapat, maagap, at makataong serbisyo sa ating mga kababayan. Pinatutunayan nito na ang Angat ay modelo ng mabuting pamamahala at tunay na malasakit, na nagbibigay-inspirasyon para sa iba pang bayan na gawing sentro ng kanilang layunin ang kapakanan ng bawat mamamayan.
Ang Gawad Serbisyong Matapat ay hindi lamang isang tropeo kundi simbolo ng ating patuloy na pagkakaisa para sa isang mas maunlad, matatag, at makataong bayan.
Comments