Sulong Bayan ng Angat!
Isinagawa sa Barangay Niugan ang MOU Signing kasabay ang Groundbreaking Ceremony of the Commodity Examination Facility for Agriculture (CEFA) in partnership with Pacific Roadlink Logistic Inc.
Ang Commodity Examination Facility for Agriculture na itatayo sa Niugan, Angat, Bulacan ay gagamitin sa pag-inspeksyon at pagsuri sa mga produktong pang-agrikultura na inaangkat sa Pilipinas. Ang pasilidad ay lalagyan ng makabagong kagamitan upang matiyak na ang mga inangkat na produktong pang-agrikultura ay nakakatugon sa mahigpit na pamantayan ng kalidad ng ating bansa.
Dumating sa programa bilang keynote speaker ang ating Senador Cynthia A. Villar. Dinaluhan din ito nina James A. Layug MNSA (Asst. Secretary for DA Inspectorate and Enforcement), Domingo F. Panganiban (Senior Undersecretary), Engr. Rosendo Go (Chairman, SINAG/Abono Partylist), Conrado Estrella III (Secretary, Dept. of Agrarian Reform), Hon. Mark Cojuanco (Pangasinan 2nd District Rep.), Hon. Nicanor Briones (AGAP Partylist), Hon. Mark Enverga (Chair, House Committee on Agriculture) at kinatawan ng ika-anim na distrito Cong. Salvador Pleyto.
Ang CEFA ay isang mahalagang hakbangin sa pagsusumikap ng Department of Agriculture na protektahan ang sektor ng agrikultura ng bansa mula sa peste at sakit. Ang pasilidad ay makakatulong upang matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipinong mamimili, protektahan ang mga pananim ng bansa, itaguyod ang patas na kalakalan sa sektor ng agrikultura at lilikha ng karagdagang trabaho para sa lokal na mamamayan
Comments