“Tunay nga pong mabibiyaya at ako po’y nagagalak, dahil muli na naman nating mapapatunayan at maipapakita sa mga mamamayan ng bayan ng Angat na tayo ay nagtatrabaho at tinutupad natin ang ating mga sinumpaang tungkulin. Sa loob po ng sampung buwan naming panunungkulan marami na po tayong naipakita at madami pang darating na ipapakita na madarama ng mga mamamayan ng Angat,” pahayag ng ating Mayor Jowar Bautista.
Ang pagsasagawa ng Groundbreaking Ceremony para sa bagong Municipal Disaster Risk Reduction & Management Office (MDRRMO) sa Barangay San Roque, Angat, Bulacan.
Layon ng proyektong ito na maihatid sa ating mamamayan ang agarang tulong sa oras ng sakuna at mas mapaghusay ang serbisyong inilalaan ng departamento. Lubos ang pasasalamat ng mga kawani ng MDRRMO sapagkat magiging daan ito ng mabuting pagganap sa kanilang tungkulin sa bayan.
Ang seremonya ay dinaluhan ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin at Sangguniang Bayan Members, Kinatawan ng ating butihing Cong. Salvador Pleyto -G. George Bautista, ABC Richard Cruz, mga kawani mula sa DPWH, at mga Pinuno ng Tanggapan ng ating Pamahaalaang Bayan.
Comments