top of page
bg tab.png

Heavy Rainfall Warning

Writer: Angat, BulacanAngat, Bulacan

Nagbigay ng RED WARNING LEVEL ang PAGASA sa Metro Manila, Rizal, Bataan, Bulacan, Pampanga, at Zambales dahil sa pinalakas na Habagat na nagdulot ng matinding pag-ulan. Ang babala ay inilabas ngayong 11:00 AM, Miyerkules.


Ayon sa ulat ng PAGASA, ang patuloy na pag-ulan ay nagdudulot ng seryosong pagbaha sa mga lugar na madalas bahain. Pinayuhan ang mga residente sa nabanggit na mga lugar na mag-ingat at maging handa sa posibleng paglikas, lalo na ang mga nakatira sa mabababang lugar at malapit sa mga ilog.


Nagpapatuloy ang koordinasyon ng lokal na pamahalaan upang masigurong handa ang mga evacuation centers at ang mga pangangailangan ng mga maaapektuhan ng pagbaha. Patuloy ang pagmo-monitor ng PAGASA sa sitwasyon at magbibigay ng mga susunod na update.

 
 
 

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page