top of page
bg tab.png
Writer's pictureAngat, Bulacan

Himig ng GulayAngat (Festival Song Writing Contest)

Updated: Sep 8, 2022



HIGIT PA sa isang kumpetisyon o paligsahan, ang Himig ng GulayAngat (Festival Song Writing Contest) ay isang kasangkapan para sa pagsusulong ng adbokasiya na IANGAT at ITAMPOK ang mahal nating bayan ng Angat hindi lamang sa lalawigan ng Bulacan kundi maging sa buong daigdig.


Sa pamamagitan ng awitin, ipakikilala natin ang angking kagandahan at potensyal ng ating bayan upang mag-ambag sa pangkalahatang pag-unlad ng lipunang Pilipino. Higit sa lahat, napapanahon na upang patunayan na ang kahulugan ng pangalang ANGAT ay angkop lamang sa ating bayan!


PATAKARAN AT REGULASYON

1. Bukas ang patimpalak sa lahat ng indibidwal o grupo ng mga kompositor, manunulat ng kanta at mang-aawit na Pilipino na residente ng Angat, Bulacan at may edad na 18 pataas.

2. Ang bawat entry ay dapat na orihinal na gawa ng kalahok. Hindi maaaaring ilahok ang anumang obra na na naisali na sa ibang kumpetisyon, nailathala o nailabas sa alinmang bahagi ng mundo,.

3. Dapat nakatuon sa tema ng pagdiriwang ang lahok na awit. Hindi ito dapat maglaman ng malalaswa at naghahayag ng anumang uri ng diskriminasyon.

4. Wikang Filipino ang pangunahing lenggwahe na gagamitin. Kapag naisumite na ang titik at himig ng kanta, hindi na ito maaaring baguhin o palitan.

5. Ang indibidwal o grupo ay maaaring gumamit ng anumang instrumentong pangmusika bilang saliw sa mga boses ng mang-aawit. Ang haba ng awitin ay dapat nasa 3 hanggang 5 minuto.

6. Isang entry lamang ang maaaring isali ng bawat indibidwal o grupo. Kalakip ng ipapasang entry, ipapasa ng indibidwal/grupo ang mga sumusunod na impormasyon:

a.Pangalan ng Kalahok (Indibidwal/Grupo)

b.Edad

c.Tirahan

d.Contact Number:

e.Pamagat ng Awit

f. Maikling Deskripsyon

g.Titik ng musikal na komposisyon na nagsasaad ng pamagat ng kanta, pangalan ng

kompositor, performer sa alinmang docx. o pdf na format

h.Recording ng Kanta sa alinmang format: MOV o MP4

i. Ang DEADLINE ng pagsusumite ng mga entry ay sa Setyembre 30, 2022 sa 11:59 PM

Philippine Standard Time. I-email ang iyong entry sa angat.municipality@gmail.com at

ilagay ang pamagat ng kanta bilang paksa ng email

7. Ang mga organizer ay magtatakda ng isang tiyak na petsa kung saan ang lahat ng mga kalahok ay iniimbitahan na itanghal ang kanilang obra. Ang kabiguang sumunod sa alinman sa mga kinakailangan sa itaas ay dapat maging batayan para sa diskwalipikasyon.

Mga Gantimpala P50,000 + TROPHY KAMPEON P40,000 + TROPHY UNANG KARANGALAN P 30,000 + TROPHY IKALAWANG KARANGALAN P 10,000 + CERTIFICATE PEOPLE’S CHOICE AWARD P 5,000 + CERTIFICATE PAMPALUBAG-LOOB


Para sa iba pang detalye at pagpapatala, maaari po kayong makipag-ugnayan sa mga Secretary ng ating Sangguniang Barangay.


13 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page