GULAY ANGAT, GULAY ANGAT Kompositor: Gil Hizon Inawit ni: Ms. Gracie Joy Capalad
CHORUS: SIPAG AT TIYAGA, AT LIKAS NA KAKAYAHAN GALING SA PAGSASAKA PAGSISIKAP PAGPUPUNYAGI BINHING NAKAPUNLA SA PUSO AY PAMANA ATING PAGYABUNGIN AT ATING LINANGIN MASAGANANG PAMUMUHAY PAG-ANGAT NG KABUHAYAN PAG-AHON NITONG BAYAN AY SYANG ATING AANIHIN PATULOY ANG PAG-UNLAD NITONG BAYAN NG ANGAT ISUSULONG ITATANGHAL GULAY ANGAT, GULAY ANGAT
VERSE 1: MAYAMANG KALIKASAN AY BIYAYANG TINANGGAP UMAAGOS NA ILOG AT LUPANG SINASAKA KALOOB NG MAYKAPAL SA BAYAN AT MAMAYAN DAPAT IPAGPASALAMAT INGATAN
VERSE 2: ALAGAAN, PAGYAMANIN ATING SINUPIN SA PAGSASAKA’T PAGTATANIM ATING SULITIN GANTIMPALA PAGPAPALA AY MAKAKAMTAN GULAY NA ATING AANIHIN ANG YAMAN NATIN
CHORUS: SIPAG AT TIYAGA, AT LIKAS NA KAKAYAHAN GALING SA PAGSASAKA PAGSISIKAP PAGPUPUNYAGI BINHING NAKAPUNLA SA PUSO AY PAMANA ATING PAGYABUNGIN AT ATING LINANGIN MASAGANANG PAMUMUHAY PAG-ANGAT NG KABUHAYAN PAG-AHON NITONG BAYAN AY SYANG ATING AANIHIN PATULOY ANG PAG-UNLAD NITONG BAYAN NG ANGAT ISUSULONG ITATANGHAL GULAY ANGAT, GULAY ANGAT
VERSE 3: BUNGA NG DUGO AT PAWIS TAGUMPAY AY MAKAKAMIT DAHIL SA PAGSASAKA AY NAITAGUYOD EDUKASYON NG MGA ANAK KASAGANAAN SA KINABUKASAN ANG AANIHIN BIYAYA NG LUPA ANG SA ATIN AY NAKALAAN MAGANDANG KALIKASAN ANG TANGING PAMANA SA KABATAAN
BRIDGE: GULAY ANGAT, GULAY ANGAT GULAY ANGAT, GULAY ANGAT ATING LINANGIN AT ATING PAYABUNGIN BINHI NG ATING KASAYSAYAN PAMANA SA ATIN ATING AANIHIN ATING KAKAMTIN BUNGA NG PAG AHON AT PAG ANGAT NATIN
Comments