top of page
bg tab.png
Writer's pictureAngat, Bulacan

Himig ng GulayAngat, Ikatlong Gantimpala: "Tara na sa Angat"




Pamagat: Tara na sa Angat

Musika ni: Ferdinand M. De Guzman

Titik ni: Magdalena A. De Guzman

Inawit ni: Gng. Laviña R. Trinidad

I

Tayo’y umawit at ating isayaw

Ang kagalakang ating nararamdaman

Ang katawan ay igalaw-galaw

Sa saliw ng himig ng bayan

II

Ako ay isang huwarang Angatenyo

Namulat sa bayang mala-paraiso

Hardi’y dapuan ng paru-paro

‘Di pamamahayan ng mga insekto

Koro:

Tara na sa Angat, Bayan na mapalad

Sama-samang saksihan kanyang pag-unlad

Mga produkto rito gulay sa hapag

Masaganang ani ang ambag

III

Dalawin, libutin, Angat bisitahin

Gulaya’y pasyalan malawak na taniman

Mga tao’y masipag at magagalang

Dayuha’y nasisiyahan

(Ulitin ang Koro)

Bridge:

Puntahan ang magagandang tanawin

Makasaysayang lugar ay inyong bisitahin

Lumang simbahan ay gunitain

Isama ang barkada lugar ay libutin

Ulitin ang Koro(2x)

Tara na…sa Angat!

9 views0 comments

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page