Isang mahalagang hakbang para sa ating Pamilihang Bayan ng Angat ang maging isang "Huwarang Palengke" sa taong 2023. Sa pamamagitan ng inspeksyon at balidasyon ng Department of Trade and Industry, tayo ay may pagkakataon na patunayan ang kalidad at kalinisan ng ating palengke.
Ang isang Huwarang Palengke ay sumusunod sa mga patakaran at pamantayan na itinakda ng DTI o lokal na pamahalaan na naglalayong masiguro ang kalidad ng mga kalakal na ibinebenta at ang kalusugan ng mamimili. Karaniwang may mga inspeksyon at regular na pagsusuri upang matiyak na naaayon sa mga regulasyon ang pamilihan.
Nakiisa sa programa ang ating Punong Bayan Reynante S. Bautista, Kon. William Vergel De Dios, Kon. Darwin Calderon, Market Administrator Lauro DC. Sarmiento at mga kasama MLGOO Carla Marie Alipio, BPLO Yral Calderon at iba pang mga kawani ng Pamahalaang Bayan. Kasama din ang mga bumubuo ng Technical Working Group and Validation Team na sina Dr. Angie Coloyan (VET-II PVO), Rosalina Yonga (BCAC), Mark Allen Adriano (BENRO), Lea May Mag-isa (DILG), John Wakie Bantigue (DTI), Nikki Gonzales (DHO).
Comments